Next Year Ulit………..

•October 4, 2011 • 2 Comments

Isang dekada na naman ang natapos sa aking buhay. Noong Biernes ipinagdiwang ko ang aking ika 31 kaarawan.  Para sa akin ang birthday ko ay sa sa mga araw nainaabangan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero para akong bata na excited lagi pagpasok palang ng September. Pwede mong i- compare yun sa isang bata na nag-aabang ng pasko ( hehehehehe…child at heart, yan ha! alam nyo na ang sikreto ko ). Tulad ng inaasahan ko, naging masaya ang naging celebration.

Minsan iniisip ko ano kaya ang naramdaman ng Mama at Papa ko nung ipinanganak ako 31 years ago? ( alam ko tuwang tuwa sila, kasi unang anak pa lang gwapo na! walang kokontra! blog ko to ) . Sino pa ba ang mga ka-birthday ko?  Ayon sa mga nabasa ko, ang aking ex na si Martina Hingis ( Tennis Womens Champion ) ang isa sa mga yun na ipinanganak na kasabay ko( kaya pala pakiramdam ko soulmate kami). Kung kaparehas naman ng petsa , nandyan sila:  Fran Drescher ( The Nanny), Candice Micelle ( WWE Womens Champion), Johnny Mathis ( Singer nung Dekada 50, na kung tawagin nila noon ay Johnny Ka-Mathis). Sa kasaysayan, namatay si James Dean noong 1955, Sumiklab ang Iran-Iraq War noong 1980 ( parehas nilang pinagkakalat na nanalo sila sa giyera na to), at noong 2005 nauso ang Bird Flu ( ito yung time na bawal ang magkasipon at bumahing lalo na sa pampublikong lugar). Kung iisipin, makulay din pala ang petsa at taon ng kapanganakan ko.

Dahil daw sa ipinanganak ako noong dekada 80,  kaya ang naging theme ng celebration ko ay ” Back to the 80’s”.  Ito ay idea ng aking mahal na may bahay.  Kaya ang lahat ng pumunta ay sinabihan na kahit paano ay magbihis ala-80’s. Ok naman, kasi mula sa sounds, ambience noong lugar, pati nga ung Pinoy Henyo ang topic is 80’eh.  Galing talaga. Kakaiba. Two thumbs up and a kiss para sa aking beautiful and loving wife (For sure may mga gagaya na naman! )But inspite all of these ,what is more important is yung mga taong hindi nakalimot, mga taong bumati sa sms, sa email, lalo na sa Facebook ( Na touch ako dun ha, daming mga bumati eh). Mga tawag sa telepono, galing sa Dubai, sa Pinas at sa Saudi.  Mga nagpunta at naki saya sa akin sa araw na yun ( kahit medyo malayo ang bahay namin).

For sure inaabangan mo na ang mga picutres, cge na ito na nga:

The Setup

80's couple....

Kami Ulit....

B-day na B-day....

1st Batch....

Batang 80's din....

NG Global Boys

Happy...

Wacky....

Maia, Donna, Pucha, Laila & Dennis

Nye....

Piktyur - Piktyur

Uyyyyyy.....

Mga Batang Tequila....

Pareng Angel

Nasobrahan!

Si Kapitana.....nagkakape na kumakandidato pa

Pag B-day Dapat May Cake...

It was really a blast. Bagay na bagay sa theme na “Blast from the 80’s”. A big and heart warming thanks to all….maraming maraming salamat! Next year ulit!

HDR

•September 20, 2011 • Leave a Comment

My first take on HDR ( High Dynamic Range ). All photos taken during our road trip to Fujairah UAE.

Shots taken using Niknok with Nikon 18-200 mm.

Night Shots…

•September 17, 2011 • Leave a Comment

Dalawa ang dahilan bakit mas gusto ko kumuha ng mga building pics sa gabi. Una ang ilaw, sa ganda ng mga ilaw may instant effects ka na ( hindi na kailangan mag ubos ng oras sa photoshop) . Lalo na kapag iba-iba ang kulay  nito. Lupet dating nun. Sabi nga noon ng professor ko sa photography, dramatic effect is an essential, it should always be in your photos as it will speak for itself.  At di ba mas marami at maganda ang mga ilaw mas may anags, parang sinabi na “mas malupet ako sa inyo mas maliwanag ako!”.  Panagalawa, mas challenging ito. Kasi mas maraming bagay o factor na dapat isipin.  Sangkaterbang settings ang kakalikutin ( kaya kailangan kabisado mo ang camera mo. Kaya sorry sa mga nag papanggap…hehehehe!). Bago maka kuha ng isang magandang pic minsan kailangan ulitin ng ulitin .  Nakaka frustrate, lalo na kapag di mo nakukuha ang gusto mo. At minsan kailangan balikan ang lugar na yun lapag hindi ka pa rin kuntento. Di ba? kung walang pasensiya maiinis ka na lang at titigilan, o kaya tulad ng iba dadayaiin sa pag gamit ng ” Auto ” settings. Kaya ito yung ilan sa mga night shots na sinsabi ko.

The Sheik Palace - Heritage Village

Lahat daw ng bagay ay nagsisimula sa pinaka simpleng anyo nito. Ganito rin dito, noong simula ito pa lang ang building nila. The traditional arabic structure. Kuha ito sa Dubai Heritage Village ( isa sa mga paborito kong spot para kumuha ng mga pics ).

The Address Hotel - Downtown Burj

Isa sa pinaka bago at pinaka sosyal na hotel dito sa dubai ngayon. Sabi nga nung isang tropa ” dre, mura lang ang isang gabi dyan 1,500 lang.” sabi ko ” ok un ha, mura nga ” sabi nya ulit  ” oo 1,500 USD! ” tahimik na lang ako. Ibig sabihin nun mahigit 60K sa pera natin o kaya naman 5k sa dirhams. The price said it all

Burj Al Arab

Sabihin na lang nayin na siya ang nag lagay ng Dubai sa mapa. Bago patumayo ang mga nagsisi taasang buildings dito nandiyan na siya. Lahat ng artista, politiko,  mayayaman at prominenteng tao na pumupunta dito ay kailangan kahit isang gabi ay matutulog sa hotel na to.  Kilala bilang The Sail Boat hotel, pero mas gusto ko ung isa pang tawag sa kanya, The 7 Star Hotel. San ka pa, angas di ba?

Burj Khalifa - Downtown Burj

Syempre ang pinaka bigtime. Ang sentro ng Dubai. The Tallest Building / Structure of the World.  Standing at 828 m (2,717 ft), halos puro ulap na ang kasama mo pag nasa tuktok ka.  Bawal ang may vertigo o kaya naman ang malululain dito.  Sa sobrang taas, ginawa nang tourist attraction ang tuktok, kung saan makikita mo ang buong Dubai pag nandun ka. This reflects the vision of Dubai, to be the best! To be on the top of its class.  Kung makikita mo ito ng harapan, isa lang masasabi mo ” WOW” sa laki, sa taas nito talagang nakaka bilib.  Para kang nasa paanan ng isang higante. Ang lupet talaga.

Tip : Abangan ang bagong Mission Impossible na pelikula, maraming stunts ang ginawa dito. Tumalon yata sa tuktok nito si Pareng Tom Cruise.

 

 

Super Extra

•September 7, 2011 • 1 Comment

Bilang isang tao na mahilig manood ng pelikulang Pilipino. From the classics of Lino Brocka and Ismael Bernal, to the actions movies of Da King FJP, to the comedy films of the legends, Tito, Vic and Joey. Minsan naiisip ko sino nga ba ung madalas na extra na nakikita ko sa bawat pelikula.  Na halos lahat yata ng panoorin ko nandun sila, Kahit minsan segundo lang sila nakikita, pero kung tutuusin mo sa dami naman ng nilabasan nila ay daig pa nila sila Superstar, Megastar, Diamond star, Star for All season, isama na rin si Star Margarine. Pero sino nga ba sila? Ito ang ilan sa mga taong napapanood natin pero hindi natin kilala.

* Sa lahat yata ng pelikulang komedya lalo na pag ang bida ay sila Tito, Vic and Joey ( mga idols ), nandun sya. Madalas nasasampal, nabubuhusan at nabubugahan ng tubig, nalalaglag sa puno, napapalo ng dyaryo, nababatukan, natatapunan ng mainit na kape at kung anu ano pang disgrasya.  Ilang pelikula na nga ba natin sya napanood? Di na siguro natin mabilang. kais di naman natin alam na sya yun.  Minsan kalaban ng bida, minsan naman isa sa mga alalay ng bida. Aminin man natin at hindi, kahit medyo corny ay napatawa rin nya tayo.  Lately, pati nga si Bosing Vic ginamit na ang pangalan niya sa portion nila sa Eat Bulaga.  Kung sabagay sa mukha pa lang nya matatawa ka na. At isa sa nagpapatunay na pwedeng magpatawa ang isang kalbo. Siya ang tunay  at original na Torling Pader.

* Isa lang naman ang lagi niyang role sa pelikula,  ang mag exhibition ng kanyang 29 (balisong). Mula sa action movies hanggang sa comedy makikita siya.  Lahat na rin yata ng artista nakasama na nya, mula kay Da King, Da Boy, Manoy, Bad Boy hanggang kay Pacman. Kung iisipin isa na rin siya sa parte ng pelikuang Pilipino, malaking parte.  Ilan nga ba sa atin ang nakakakilala sa kanya, pustahan tayo wala? Pero pag sinabing si Boy Balisong, ayun alam na kung sino ang tinutukoy.  Isa sa hindi ko makakalimutang role niya ay sa movie na Super Mouse and The Robo-rats ni Idol Joey de Leon, kung saan nakilala ko rin siya bilang si Ben Balisong ( ang pinaka magaling na punyetero, punyalero pala! ). Sino nga ba siya na sa lahat yata ng pelikula ay makikita ay kanyang bigote?  Marami bang nakakakilala na siya si Danny Labra.

* Pupusta ako na kilala nyo siya. Itong ale na to ay isa sa mga laging nakikita sa mga pelikula, lalo na pag horror ang pag uusapan. Aswang, mangkukulam, mambabarang ( totoo bang magkalaban ang mangkukulam at mambabarang?), white lady ( matandang white lady), manananggal at basta nakakatakot na babae, asahan natin na automatic na siya yun.   Bakit nga ba ang naging standard ng nakakatakot na babae ay itong manang na ito. Minsan nga pag may naririnig akong kwento tungkol sa mg aswang ang na-iimagine ko ay siya. Minsan naman ang role niya ay matandang kapit bahay o kaya naman babaeng taga iskwater.  Ung bang laging naglalaba sa labas ng bahay at sigaw ng sigaw sa mga batang naglalaro. Aminin man natin at hindi, ni minsan ba nakita mo ang pangalan niya sa simula ng pelikula?  O nakita nabasa mo na pero di mo alam na siya yun. Sige na , ipinakikilala ko  si Ginang Lilia Cuntapay.

* KM Tayan, Kamatayan, Bangkay, dyan mas kilala.  Pwede rin adik, praning o taong grasa ang madalas niyang role sa pelikula. Pero madalas, ilang minuto lang ang kanyang eksena. Pero sa dami ba naman ng nilabasan niya at ginanapan niyang pelikula , imposible na walang nakakakilala sa kanya. Pwedeng comedy , pwedeng action ( biruin mo sa katawan niyang yun nakuha pa niyang mag action movies) at higit sa lahat pwede sa horror ( sino ang makakalimot sa linya niyang Rock and Roll!). Isa rin siya sa pinaka matipid na artista, kasi sa lahat yata ng pelikula niya naka hubad sya at pina pakita ang malak hunk niyang katawan ( tinalo pa ang Azkals sa Edsa). So ano nga ba ang tunay niyang pangalan? Sino nga ba ang taong ito na sa loob ng maraming taon ay napatawa at natakot ( para lang sa mga bata) tayo. Ngayon, di mo nalang siya tatawaging Bangkay…kasi kilala mo na siya sa kanyang pangalan. Si Nonong De Andres…Rock and Roll!

* Isa sa mga naging beterano ng pelikulang Pilipino.  Ang tanging artista na mas kilala sa pangalan niya na kinuha sa panagaln ng isang hayop. Madalas at nakilala siya bilang kontrabida ni the Poe noong dekada 80. pero mas gusto ko siay pag lumalabas sa mga comedy ( mas gusto ko kasi ang comedy kesa action eh, di hamak na masarap tumwa kesa makipag suntukan). Marami rin naman ang nakakakilala sa kanya, pero gusto ko pa rin siya isama sa post na to eh.  Enough said, panoorin na lang kung gaano siya kalupet si Joaquin ” Buwaya ” Fajardo.

Ang mga artistang ito ay hindi kasing sikat nila John Llyod Cruz o Coco Martin. Wala rin silang mga telenovela o soap opera tulad nila Marian Rivera at  Maja Salvador.  Wala rin silang mga multimillion commercial deal tulad ni Kristeta ( Kris Aquino ) o ni Dingdong Dantes. Wala rin silang billboard sa EDSA tulad ng Azkals, Volcanoes o ni Angel Locsin. Pero masasabi natin na isa sa mga naging haligi ng pelikulang Pilipino.  Mga haligi na wala man lang nakakakilala, mga artista na kahit minsan ay hindi nabigyan ng pansin. Mga artista na tulad ng mga ginanapan nila, ay mawawala ng hindi nakikilala, sila na mga Super Extra.

* Photos of Danny Labra and Nonong de Andres is from Jeff Tam Photography

Hatta

•August 31, 2011 • Leave a Comment

Dahil holiday ngayon. Eid Al Fitr, ang katapusan ng ramadan. Kaya medyo nasa holiday mood na naman at photo post na lang muna.  Hjjar mountains, part ng Hatta. One hour drive mula sa Dubai. Ito yung part ng UAE na para mapuntahan mo ay daraan ka sa Oman territory ( 100 meters drive ) then balik sa Dubai terittory bago ka makarating dito. This is one part of the UAE which is merely composed of mountains made up of rocks.  Dito rin makikita ang isa sa pinaka luma at pinaka sikat na fort na ginawa noong 18th century, ang Hatta Fort.

All shots taken by Niknok @ Nikon 55-200mm.

Sorry…

•August 23, 2011 • Leave a Comment

Isang taon na ang nakakalipas mula ng pinakita ng ating kapulisan ang kanilang kahinaan / kapalpakan sa isang crisis. Bithday ngayon ng tinawag na Manila Hostage Crisis, pag hostage ng isang dismissed na pulis, Sr. Inspector Rolando Mendoza, sa isang tourist bus sa may Grandstand. Parang nanood ang lahat ng isang live na action film, complete with a blow by blow commentaries form ABS-CBN, GMA7 , TV5 at iba pang mga isatsyon ng radyo. At tulad din sa mga pelikulang Pilipino, sa huli na umaksyon at mukhang walang kwenta ang mga rumespondeng pulis. Hindi ako laban sa mga pulis at hindi ko rin naman nilalahat, ung sa akin lang ay ung mga rumespondeng pulis. Makita mo ba naman kung paano sila umatras ng may pumutok na baril sa loob ng bus, paano sila hirap na hirap  mapasok ung bus at maka ilang beses na nabitawan ang maso na pang basag na salamin.  Naisip ko tuloy na hindi yata action movie ang dapat dun kung hindi comedy. Natapos ito sa score na 10 ang patay, 7 malubhang nasugatan at 7 na pinakawaln kapalit ng Chowking Lauriat at isang nakatakas, si manong driver na mala the fugutive ang ginawang pagtalon sa bintana ng bus.

Halos isang linggong laman ng mga balita ang lahat ng nangyari. Nagkaroon din ng mga imbestigasyon na umabot pa nga sa Senado. Pero tulad ng dati walang totoong nanagot sa mga kapalpakan na ito. May mga nasuspinde, nag penalty at mga kinastigo. Karamihan mga journalist kasi naka istorbo raw sila sa negosasyon.  Kahit ang gobyerno ng Hong Kong nagkaroon din imbestigasyon, dun marami silang mga rekomendasyon at humingi rin sila ng “Sorry” mula sa ating gobyerno. Fast forward tayo, isang taon matapos ang lahat ng ito. Dumating nung isang araw ang mga kapamilya ng mga namatay na turistang chekwa sa Pinas. Ang pakay daw nila ay humingi ng hustisya sa mga kamag anak na nadale. Pwede ba nating sabihin na pumila sila?  Ang dami pa kayang un solved cases sa Pinas na kailangan din ng hustisya noh!  Plano raw nila na makipag meeting kay Sec. De Lima at PNoy, ang kanilang demands ay paghingi ulit ng paumanhin ang gobyerno natin o yung public apology at danyos perwisyo sa mga biktima o sa madaling salita, pera. Naknang tipaklong naman, ano pa ba ang gusto nila? Nag public apology na nga last year di ba? Gusto pa ba nila lumuhod ang buong Pilipinas at mag sabi ng sorry sa kanila?  Sa tingin ko mali sila ng Presidente na nilapitan.  Nahuli sila, kung yung huling pangulo ang nilapitan nila, magaling mag sorry yun di ba? Sino ba naman ang makakalimot sa linya nya na ” I am Sorry”. Bakit kaya ganun? pag may nangyari na di maganda dito sa Pilipinas  kailangan tayo mag sorry? Meron lang turistang napatay, public apology. May turistang mabugbog, public apology. May turistang ma murder sa manicure, public apology. May turistang nakatapak ng tae, public apology. Para bang laging second class ang bansa natin. Kung baligtarin kaya natin ang nangyari, kung mga Pinoy na turista kaya ang napatay sa Hong Kong? mag pupublic apology kaya ang gobyerno nila? Lawakan pa natin, ang mga kasambahay na naaabuso ng amo sa ibang bansa, pag empleyado na hindi pinapa sweldo, mga Pilipinong namamatay sa ibang bansa. Pag nababalitaan ba natin to’ humihingi ang gobyerno natin ng sorry sa mga bansa kung saan ito ay nangyayari? hindi di ba! kasi alam natin na parte yun ng pagiging turista, parte yun ng pag tratrabaho sa ibang bansa. At siguro dahil na rin sa mentality natin pag oras mo na, oras mo na. Masakit oo, pero natatanggap din natin yun sa katagalan.

Mabalik tayo sa mga demands na hinihingi ng mga chekwa. Ito ang mga gusto nilang mangyari:

1. Public Apology – galing kanino? kay PNoy ( malabo yan mga mam / sir), kay Sr Inspector Mendoza ( dead na, pero pwedeng gumamit ng mga medium para maka usap ang kaluluwa nya), mga pulis ( ang dami nun, mahirap isa isahin ) , sa mga Pilipino ( care namin!?)

2. Papanagutin ang mga responsable – sino sa mga yun? DILG Sec. Robredo ( di pwede, tropa ni PNoy yan, bawal galawin) Mayor Lim ( di rin pwede, isa sa mga adviser ni PNoy yan, tsaka ano kinalaman nya sa mga namatay? ) Police ground Commander ( pwede, pero retired na yata sya sa pag kaka alam ko, so wala na rin) mga pulis ( ulit? marami nga sila) Vice Mayor Isko Moreno ( bata ni Mayor, kaya di pwede) eh sino dapat managot? isa lng naman ang sagot ko, e di si Inspector Mendoza. Kasi sya naman ang nang hostage eh.

3. Compensation – danyos perwisyo, pera – tanog ko lang ha, sino naman ang magbabayd nito? tsaka mga bossing, mas maunlad po ang bansa ninyo kesa sa amin. Gusto nyo, piso bawat pinoy? ano payag kayo dun?

4. Improved measures to safeguard tourist – sige po pag aaralan natin yan… o kaya mpapa train ko sila sa mga Airsoft team na kakilala ko. hehehehehe

Alam nating masakit mawalan ng mahal sa buhay at nakikiramay po ang author sa lahat ng namatayan. Mas masakit lalo na at nag babakasyon lang ang mga namatay. Pero hindi rin naman natin dapat isisi sa gobyerno o sa mga Pilipino ang nangyari. Hindi kasalanan ng lahat ang kasalanan ng isang tao. Kung makaktulong ito, ako na ang gagawa. Sorry po…

Cho Paenguin

•August 14, 2011 • 2 Comments

Dahil sa kinonvert na naman ang Dubai para maging isang malaking oven toaster,  ang nasa isip lang ng mga taga rito ay magpalamig. Isa sikat ngayon dito sa UAE ( United Arab Emirates) is ung Iceland. Located ito outside Dubai, sa Ras Al Khaimah ( mga 1 1/2 hour drive from Dubai, with a speed of 100km/h. Sarap mag drive nahahataw ko si Kiddo , ung car ko).  Iceland is a water theme park, ung tipong nasa resort ka at theme park at the same time. Aaminin ko ito ang unang time ko na makatapak sa isang water theme park ,biruin mo sa edad kong to, 1st time ko pa lang makakapunta sa ganitong lugar! Sa parking pa lang impressed na ako, ganda ng outside facia nila ( lupet sa isip isip ko) .  Pagpasok namin, mas malupet pala, ang ganda ng loob at ung mga slides nila parang di ka bubuhayin pag sinubukan mo ( syempre di ko dapat pahalata sa mga kasama ko na medyo kinakabahan ako sa mga slides),  sabi nga sa salitang beki, keribels lang. Wala rin akong choice kasi ako ang nag iisang lalaki sa grupo kaya ayun, no choice but subukan ang mga slide. Putcha, tama ang hinala ko…para talagang katapusan ko na nung sinubukan ko ung mga slides. Walang awa,  un lang ang masasabi ko,  bukod sa lamang loob ko pati yata mga kasalanan at kaluluwa ko hinugot sa bawat slide na sinubukan ko. Akala ko nga di na ako mag susurvive eh. Pero bukod sa mga higante nilang slide, isa sa pinaka patok dito sa Iceland is yung mga pools nila is super lamig, tamang tama sa mainit na summer ( parang pang commecrcial yun ha?). Kaya kahit napaka init ng panahon, basta nakababad sa pool ang sarap, nakaka relax. Malaki ang lugar, at pag sinubukan mo ang lahat ng slides dito, siguro wala ka ng lakas para tumayo or mag drive pauwi. So para makita nyo ung mga pinag sasasabi ko , check this out

at para dun sa sinsabi kong mga slides na nakakawala ng kaluluwa…

So naniwala na kayo? now, i will leave you with cho-paenguin!hehehehe…..

Ramadan Kareem

•August 6, 2011 • 1 Comment

 

Ramadan  (Ramazan, رمضان‎ Ramaḍān) is the ninth month of the Islamic calendar, which lasts 29 or 30 days. It is the Islamic month of fasting, in which participating Muslims refrain from eating, drinking and intimacy with their partners during daylight hours and is intended to teach Muslims about patience, spirituality, humility and submissiveness to God. Muslims fast for the sake of God (Allah) and to offer more prayer than usual. Galing sa Wikepedia ang  meaning na yan, Yan ang counterpart ng Holy Week sa ating mga Catholic. Pero sa kanila extended version, one month (Ang haba noh?). Samantalang tayo 1 week lang eh hirap na hirap tayo. Kakain sila bago sumikat ang araw at pag lubog nito. Bawal ang tubig, yosi o kahit na ano hanggat maliwanag pa. Bumabawi na lang sila pag lubog na ang araw ( by this time…kain to the max, parang piyesta).  Ang hirap nun, kasi minsan sinusubukan ko ung hindi kumain habang maliwanag, pero grabe sakit sa tiyan, lalo nasa ulo. Naitanong ko tuloy sa sarili ko, paano sila tumatagal ng ganun? Hirap talaga pag walang pagkain lalo na ang tubig and to think na ang Ramadan always falls on a summer, meaning 40 -50degC ang temperature outside tapos bawal uminom! feeling ko tinoturture ako.

Pero sa mga OFW dito sa Dubai, ang Ramadan ay isa sa mga inaabangan na panahon. Bakit? Kase, pag Ramadan, shortened ang work time. From 8 hour to 6 hours, so maaga makakauwi, mas mahaba ang pahinga, bonding time with friends and loved ones or basta mahaba ang time para gawin kahit anong gusto mo. Kung sa regular days, ang 6pm is ung time na nag sta start pa lang umuwi, pag Ramadan ang 6 means, nasa bahay na, naka luto at naka kain na (sarap di ba?) more time manood ng TV, movie , mag gym, or mag FB ( pabor sa mga mahihilig sa games). Lahat yata ng gusto mong gawin magagawa pag ganitong panahon. Lahat ng restaurant, may Iftar ( meal after tfasting ) buffet to, daig pa ang piyesta, ang dami rin mga promo. Kaya para sa mga mahilig kumain ito na rin ung season to pig out and mag all out sa pagkain ( eto ung portion na babawiin mo ung binayad mo sa buffet , nag flashback tuloy sa akin ung time nag nag buffet kami sa Dad’s – Saisaki, nahati yata ung lupa sa kababalik namin ni Erjohn sa buffet hanggang sa magsara ung buffet table kasi dinner buffet na raw..hehehhe).  Extended din ang mall hours from 9 to 12. Kaya mas mahaba ang time mag gala sa mall or kahit sa anong establishment. Puro naka Ramdan sale din mga shops kaya daming discount sa mga mahilig mag shopping ( kaya puro gastos ang lahat this time of the year).  For one month ganito ang mga makikita and ang routine ng buhay dito sa Dubai. Tapos after this, long holiday naman, Eid  ( pag usapan naman natin to pag nag Eid na) ang kasunod, this marks the end ng Ramadan.

Saludo ako sa mga Muslim brothers natin. With their deep devotion to their religion / faith. Mahirap at talagang sakripisyo pag Ramadan.  At para sa mga kabayan natin, sana igalang natin sila.  Please refrain from tempting them, kung nauuhaw or nagugutom habang araw, uminom or kumain sa lugar na hindi nila nakikita. At kung mag dadamit please be respectful, meaning wag natin silang bigyan ng reason para mag isap at mag kasala. Sabi nga nila, respect begets respect. So to everyone. Ramadan Kareem, may Allah bless you and your family.

Judge…

•August 3, 2011 • 1 Comment

Photo post pa rin muna. Medyo busy and daming ginagwa, at mas maraming gumugulo sa isip. As i have mentioned in my “Trip” entry, i have an Airsoft Collection ( Gun Replica) actually some of it is already in the Philippines, pina cargo ko na. So ito ung 2 sa mga un. And i think dapat mag post naman ako ng ganito, kasi ung dalawang huling post ko puro flowers, baka may mag duda na sa akin at ang isipin ay  iba na kulay ng dugo ko! ayyyy berde na at isipin hindi na ako Engr., but Judge na pala!

Taken using Niknok, 50mm: M mode, Speedlight Sb-600

 

 

Flowers…ulit!

•August 1, 2011 • 2 Comments

Since may mga flowers pa hindi nasama nung 1st batch..eto na sila. It was  taken 4 months back, when we went for a road trip to Fujairah. Long time na pala! overdue post  na naman. These flowers are being sold along the highway going back to Dubai. We stopped and purchased some plants, so while buying sinabayan ko ng pagkuha ng pics.

All shots taken using Niknok with 50mm:M mode

The flower every that every lady wants….

Finally, with a little bit of retro….