Cho Paenguin

Dahil sa kinonvert na naman ang Dubai para maging isang malaking oven toaster,  ang nasa isip lang ng mga taga rito ay magpalamig. Isa sikat ngayon dito sa UAE ( United Arab Emirates) is ung Iceland. Located ito outside Dubai, sa Ras Al Khaimah ( mga 1 1/2 hour drive from Dubai, with a speed of 100km/h. Sarap mag drive nahahataw ko si Kiddo , ung car ko).  Iceland is a water theme park, ung tipong nasa resort ka at theme park at the same time. Aaminin ko ito ang unang time ko na makatapak sa isang water theme park ,biruin mo sa edad kong to, 1st time ko pa lang makakapunta sa ganitong lugar! Sa parking pa lang impressed na ako, ganda ng outside facia nila ( lupet sa isip isip ko) .  Pagpasok namin, mas malupet pala, ang ganda ng loob at ung mga slides nila parang di ka bubuhayin pag sinubukan mo ( syempre di ko dapat pahalata sa mga kasama ko na medyo kinakabahan ako sa mga slides),  sabi nga sa salitang beki, keribels lang. Wala rin akong choice kasi ako ang nag iisang lalaki sa grupo kaya ayun, no choice but subukan ang mga slide. Putcha, tama ang hinala ko…para talagang katapusan ko na nung sinubukan ko ung mga slides. Walang awa,  un lang ang masasabi ko,  bukod sa lamang loob ko pati yata mga kasalanan at kaluluwa ko hinugot sa bawat slide na sinubukan ko. Akala ko nga di na ako mag susurvive eh. Pero bukod sa mga higante nilang slide, isa sa pinaka patok dito sa Iceland is yung mga pools nila is super lamig, tamang tama sa mainit na summer ( parang pang commecrcial yun ha?). Kaya kahit napaka init ng panahon, basta nakababad sa pool ang sarap, nakaka relax. Malaki ang lugar, at pag sinubukan mo ang lahat ng slides dito, siguro wala ka ng lakas para tumayo or mag drive pauwi. So para makita nyo ung mga pinag sasasabi ko , check this out

at para dun sa sinsabi kong mga slides na nakakawala ng kaluluwa…

So naniwala na kayo? now, i will leave you with cho-paenguin!hehehehe…..

~ by Raido's Eye on August 14, 2011.

2 Responses to “Cho Paenguin”

  1. pampampapam! love ko ‘to! 😛

  2. nel ok yng lugar n yn ah….mukang maganda nga tlga jn, pero curious lng ako bkit cho paenguin ang title??? , minsan isama mu nmn kmi jn ni jun… hahaha

Leave a comment