Night Shots…

Dalawa ang dahilan bakit mas gusto ko kumuha ng mga building pics sa gabi. Una ang ilaw, sa ganda ng mga ilaw may instant effects ka na ( hindi na kailangan mag ubos ng oras sa photoshop) . Lalo na kapag iba-iba ang kulay  nito. Lupet dating nun. Sabi nga noon ng professor ko sa photography, dramatic effect is an essential, it should always be in your photos as it will speak for itself.  At di ba mas marami at maganda ang mga ilaw mas may anags, parang sinabi na “mas malupet ako sa inyo mas maliwanag ako!”.  Panagalawa, mas challenging ito. Kasi mas maraming bagay o factor na dapat isipin.  Sangkaterbang settings ang kakalikutin ( kaya kailangan kabisado mo ang camera mo. Kaya sorry sa mga nag papanggap…hehehehe!). Bago maka kuha ng isang magandang pic minsan kailangan ulitin ng ulitin .  Nakaka frustrate, lalo na kapag di mo nakukuha ang gusto mo. At minsan kailangan balikan ang lugar na yun lapag hindi ka pa rin kuntento. Di ba? kung walang pasensiya maiinis ka na lang at titigilan, o kaya tulad ng iba dadayaiin sa pag gamit ng ” Auto ” settings. Kaya ito yung ilan sa mga night shots na sinsabi ko.

The Sheik Palace - Heritage Village

Lahat daw ng bagay ay nagsisimula sa pinaka simpleng anyo nito. Ganito rin dito, noong simula ito pa lang ang building nila. The traditional arabic structure. Kuha ito sa Dubai Heritage Village ( isa sa mga paborito kong spot para kumuha ng mga pics ).

The Address Hotel - Downtown Burj

Isa sa pinaka bago at pinaka sosyal na hotel dito sa dubai ngayon. Sabi nga nung isang tropa ” dre, mura lang ang isang gabi dyan 1,500 lang.” sabi ko ” ok un ha, mura nga ” sabi nya ulit  ” oo 1,500 USD! ” tahimik na lang ako. Ibig sabihin nun mahigit 60K sa pera natin o kaya naman 5k sa dirhams. The price said it all

Burj Al Arab

Sabihin na lang nayin na siya ang nag lagay ng Dubai sa mapa. Bago patumayo ang mga nagsisi taasang buildings dito nandiyan na siya. Lahat ng artista, politiko,  mayayaman at prominenteng tao na pumupunta dito ay kailangan kahit isang gabi ay matutulog sa hotel na to.  Kilala bilang The Sail Boat hotel, pero mas gusto ko ung isa pang tawag sa kanya, The 7 Star Hotel. San ka pa, angas di ba?

Burj Khalifa - Downtown Burj

Syempre ang pinaka bigtime. Ang sentro ng Dubai. The Tallest Building / Structure of the World.  Standing at 828 m (2,717 ft), halos puro ulap na ang kasama mo pag nasa tuktok ka.  Bawal ang may vertigo o kaya naman ang malululain dito.  Sa sobrang taas, ginawa nang tourist attraction ang tuktok, kung saan makikita mo ang buong Dubai pag nandun ka. This reflects the vision of Dubai, to be the best! To be on the top of its class.  Kung makikita mo ito ng harapan, isa lang masasabi mo ” WOW” sa laki, sa taas nito talagang nakaka bilib.  Para kang nasa paanan ng isang higante. Ang lupet talaga.

Tip : Abangan ang bagong Mission Impossible na pelikula, maraming stunts ang ginawa dito. Tumalon yata sa tuktok nito si Pareng Tom Cruise.

 

 

~ by Raido's Eye on September 17, 2011.

Leave a comment