Next Year Ulit………..

Isang dekada na naman ang natapos sa aking buhay. Noong Biernes ipinagdiwang ko ang aking ika 31 kaarawan.  Para sa akin ang birthday ko ay sa sa mga araw nainaabangan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero para akong bata na excited lagi pagpasok palang ng September. Pwede mong i- compare yun sa isang bata na nag-aabang ng pasko ( hehehehehe…child at heart, yan ha! alam nyo na ang sikreto ko ). Tulad ng inaasahan ko, naging masaya ang naging celebration.

Minsan iniisip ko ano kaya ang naramdaman ng Mama at Papa ko nung ipinanganak ako 31 years ago? ( alam ko tuwang tuwa sila, kasi unang anak pa lang gwapo na! walang kokontra! blog ko to ) . Sino pa ba ang mga ka-birthday ko?  Ayon sa mga nabasa ko, ang aking ex na si Martina Hingis ( Tennis Womens Champion ) ang isa sa mga yun na ipinanganak na kasabay ko( kaya pala pakiramdam ko soulmate kami). Kung kaparehas naman ng petsa , nandyan sila:  Fran Drescher ( The Nanny), Candice Micelle ( WWE Womens Champion), Johnny Mathis ( Singer nung Dekada 50, na kung tawagin nila noon ay Johnny Ka-Mathis). Sa kasaysayan, namatay si James Dean noong 1955, Sumiklab ang Iran-Iraq War noong 1980 ( parehas nilang pinagkakalat na nanalo sila sa giyera na to), at noong 2005 nauso ang Bird Flu ( ito yung time na bawal ang magkasipon at bumahing lalo na sa pampublikong lugar). Kung iisipin, makulay din pala ang petsa at taon ng kapanganakan ko.

Dahil daw sa ipinanganak ako noong dekada 80,  kaya ang naging theme ng celebration ko ay ” Back to the 80’s”.  Ito ay idea ng aking mahal na may bahay.  Kaya ang lahat ng pumunta ay sinabihan na kahit paano ay magbihis ala-80’s. Ok naman, kasi mula sa sounds, ambience noong lugar, pati nga ung Pinoy Henyo ang topic is 80’eh.  Galing talaga. Kakaiba. Two thumbs up and a kiss para sa aking beautiful and loving wife (For sure may mga gagaya na naman! )But inspite all of these ,what is more important is yung mga taong hindi nakalimot, mga taong bumati sa sms, sa email, lalo na sa Facebook ( Na touch ako dun ha, daming mga bumati eh). Mga tawag sa telepono, galing sa Dubai, sa Pinas at sa Saudi.  Mga nagpunta at naki saya sa akin sa araw na yun ( kahit medyo malayo ang bahay namin).

For sure inaabangan mo na ang mga picutres, cge na ito na nga:

The Setup

80's couple....

Kami Ulit....

B-day na B-day....

1st Batch....

Batang 80's din....

NG Global Boys

Happy...

Wacky....

Maia, Donna, Pucha, Laila & Dennis

Nye....

Piktyur - Piktyur

Uyyyyyy.....

Mga Batang Tequila....

Pareng Angel

Nasobrahan!

Si Kapitana.....nagkakape na kumakandidato pa

Pag B-day Dapat May Cake...

It was really a blast. Bagay na bagay sa theme na “Blast from the 80’s”. A big and heart warming thanks to all….maraming maraming salamat! Next year ulit!

~ by Raido's Eye on October 4, 2011.

2 Responses to “Next Year Ulit………..”

  1. Syempre naman….lagi special pag birthday natin kc ito ang araw na binigyan tayo ng buhay ni LORD di ba…super saya talaga ang birthday mo pareng raymart…sa susunot po ulit…..God bless u more and momy clawie…. Happy birthday bossing!!!!!

  2. alam ko sobrang late na tong comment ko (pasensiya na demanding ang law school eh, hahaha), magkapatid nga tayo, laging parang batang nag-aabang ng bday 🙂 child at heart talaga tayo, ibig sabihin di tayo tatanda agad, yehey!

Leave a comment