Flowers…Anyone?

•July 29, 2011 • 1 Comment


Since nadale na naman ako ng paborito kong sakit, FLU ( trangkaso), parang ayaw gumana ng utak ko  para mag isip ng topic na isusulat. Therefore just feast your eyes on some shots taken on the park infront of our building. I took the shot when the weather is still favourable, ung time na hindi pa kino convert na isang malaking sauna ang buong Dubai. Dahil ngayon imposible ng tumagal ng 5 minuto sa labas ng hindi ka naliligo s pawis, sabagay kung 48 – 50 degC ba naman, siguradong maliligo ka sa pawis.

All shots taken using Niknok ( Nikon D5000) with 50mm :  M mode.

 Finally, something for my Ms. Violet, my youngest sister Atty. Armie Francisco

Hope you like the photos…more to come! Promise

Buds Trip….

•July 24, 2011 • 3 Comments

Simula pagkabata nakagisnan natin na gumamit ng cotton buds sa paglilinis ng tenga? Ngunit, subalit, datapwat isang maling paniniwala pala yun. Mga paniniwalang tulad ng may lalabas na tren pag ikaw ay nasugatan, lalaki ka pag natulog ng tanghali, na pag nahulog ang pagkain pwede pa itong kainin basta wala pang 10 seconds, mawawala ang Corruption sa Pilipinas, bababa ang presyo ng langis, babalik ang tambalang judy ann – wowie at kung ano ano pang maling paniniwal. Mula ng nanggaling kami sa Iceland ( Water Theme Park sa Ras Al Khaimah) last friday, parang laging bagong taon sa tenga ko,ung ang tunog ang na nairirnig is yung ingngngngngngnggngng. Kaya di ako mapakali,buti na lang at check up ko sa EENT para sa Nose Allergy ko ( naks! nose allergy!, yes pinagagamot ko kasi yan dahil marami na akong naging pangalan dahil dyan. Tinawag na akong boy sipon, boy singhot, at pambansang sipon…. ng asawa at mga kapatid ko.kainis! kaya ginagamot na ang ilong ko).Pina tignan ko na rin kung ano ang problema sa tenga ko. Tama nga, barado ang kanang tenga ko daahil sa pagkalikot ko pagkatapos mag swimming. At tulad ng inaasahan, tinira na agad ni Doc ang bara, at hindi lang just -just ( basta – basta ) EENT si Dr. Naggar, isa yang Consultant Doctor ( Higher than Specialist, kaw na!?) bigtime a ng feeling, consultant ang taga linis ng tenga ko,hehehehehe. Eto ang mga sumunod na pangyayari…pasok!

Doc: Nurse,ear wax dropper and medium suction pls.

Kidd(nagsasalita sa isip): Ayos ‘to, libre linis hehehehe, pero di rin maganda, maririrnig ko ng malinaw lahat ng sinasabi

 ng Misis ko pag luminis tenga ko.

Nurse: Here you go doc…

Pinatakan ni Doc ng Ear dropper ang tenga ko at sinimulan i-suck ang mga dumi, damang dama, hehehehe rinig na rnig ko pala ang pagsama ng mga dumi ng tenga ko sa suction na ginamit nya.

Kidd(nagsasalita sa isip): ok na ok talaga..sarap, pero parng di nya makuha ha, nahihirapaan na yata. naka kunot na noo, lalo tuloy tumaas ang hairline nya.

Doc: Nurse, more ear wax and large suction tube pls..

Nurse: Huh!? ( parang nagulat at napatingin sa akin)

Kidd(nagsasalita sa isip):Putcha! large na yun ha! pag hindi pa nakuha to malamang sunod na sasabihin nito is ” nurse, call Malabanan (i-google nyo na lang bakit malabanan) pls, we need the biggest and the extra large suction…..” hehehehehehehehehe

Doc: Are you using cottons buds to clean your ear?

Kidd: Yes doc!

Doc: That is why, you have pushed it too far and too deep.

Sa puntong ito naramdaman ko na ang gusto nyang sabihin is… putragis kang bata ka, kalikot ka ng kalikot ng tenga mo, ayan tuloy para akong si Indiana Jones na naghahanap ng treasure dito!

Kidd: Is it not advisable to use cotton buds on cleaning my ear?

Doc: no its not, your just pushing the wax inside your ear. Just use it on the outside part. The ear wax will fall out by its own.

Kidd(nagsalita ulit sa isip): Ahh ganun ba yun. Sino ba kasing kamote ang nag pauso ng pag paglilinis ng loob ng tenga gamitin cotton buds

After a couple of seconds…isang malakas na tunog na parang may lumabas na kung ano sa loob ng tenga ko. Pati yata ear drums ko lumabas at nahigop na rin.

Doc: There, it’s removed. You’re lucky i managed to remove it by suction, otherwise it will be an operation for you. Also, be careful, you will feel dizzy for a while.

Kidd:Thanks doc.

Kahit medyo nahihilo, lumabas na ako ng rom. Nasabi ko sa sarili ko, sino ba naman ang hindi mahihilo, kalikutin mo ba naman ang tenga at gamitan ng kung ano-anong aparratus eh. Habang pauwi, napa isip ako, sino ba talaga ang naka imbento ng cotton buds?at bakit ang turo sa atin mula pagka bata as a proper hygene ay gumamit ng cotton buds sa paglilinis ng tenga, labas at loob. Kung nakakasama pala bakit pa natin ginagawa? para ba itong paninigarilyo? pag inom? paggamit ng droga sa ilan? pagsuway sa batas trapiko, pagpilipili ng maling lider ng bansa o pagbili ng mga pirated CD’s and DVD’s? ( wag na pala ung pagbili ng pirated, kasi bumubili rin ako nun paminsan minsan…oo promise paminsan minsan lang),na dahil sa nakasanayan na, kahit mali ginagawa pa rin natin? Promise ko sa sarili ko na hindi na kakalikutin ang tenga ko gamit ako cotton buds, at tulad ng sabi ni Doc hayaan na lang maalis ng kusa ang mga namuong wax.Nakakahilo kasi after nung procedure, kahit ilang oras na akong nagpapahinga, hilo pa rin ako.Paulit ulit ko tuloy sinisisi ang cotton buds, kung hindi dahil sa kanya ma-eenjoy ko ung last day ng weekend. BUDS TRIP talaga!

Ang Salarin

Trip…….

•July 22, 2011 • 1 Comment

Sabi sa Wikipedia…. Hobby is a regular activity or interest that is undertaken for pleasure, typically done during one’s leisure’s time. Sa madaling salita ito ung ginagawa ng mga tao para malibang. Pwede ‘tong maging isang collection, sports activity o mga bagay na parating ginagawa ng isang tao. Tinatawag tong hobby, libangan or sa salitang alam natin…Trip.  I’m my 31 years dito sa mundong ito, marami rami na rin akong hobby na pinasok,mga bagay na naging parte ng isang malaking collection. In no alphabetical order…but it will be in mentioned from my younger years to the present,here we go….. Teks, Tau- tauhan, Goma, Pera perahan na gawa sa pakete ng Sigarilyo( pag imported mas mataas ang value ), Letra na gawa sa plastic ( ung square ng may embossed na letter ) standard yata tong mga ‘to sa mga batang lumaki during the 80’s and 90’s …..hehehehe maraming nakaka relate!? game tuloy ang kwento… Basketball , X-men cards, mga poster ng Punks at Basketball player, tapes ng mga banda, Smash songhits…..eto ung mga kinahumalingan ko hanggang sa maka graduate ako nang high school. When i entered college, i thought that is the end of getting into these things, i’m wrong…. i found out that in this stage i will dwell in it more…..NBA cards, Network Games ( Red Alert, Star Craft, War Craft, Half Life, Counter Strike…pioneer ng Adamson), Magic : The Gathering ( naging certified collector  dito sa stage na to), Legend of the Five Rings,  Tamiya racing cars ( nauna akong magkaroon nito bago maging corny to at dumamai ang meron, specially japeks!), Gundam Wing models( complete set ung sa akin, pero nadale nung lumipat kami ng bahay….nag ka hiwa-hiwalay ung mga parts). After graduating college, nag lie low ako s mga hobbies ko…wala kasing  pondo, isa na akong ganap na tambay dito. At tulad ng libo libong graduate, nakikipag patayan para makahanap ng trabaho. TIme passed by, and i thought na ung pagiging collector or the hobby of collecting was totally out of my system. But when i started working here in Dubai, the thought of having a hobby has struck again, maybe because its a way of relaxation which is very difficult since in this country it is one thing that is very rare….for a person to relax. This time medyo nag upgarde na ung mga collections ko..sabi nga ni Ayie at Mengi ( my 2 beloved and wonderful sisters) Mucho na raw kasi ako…..so tuloy ang rundown, Stuffs from the Dubai( Sheesha, plates, cups)Lomography cameras, Airsoft guns ( yes! and because i play Airsoft, definitely i have a collection of Airsoft guns), Buddha statues( ung original na Buddha ha..di ung matabang lalaki na may mga bata na nakaikot sa kanya), and Vintage / Old SLR cameras( 19679 ang pinaka Vintage ko…kaya naghahanap pa ako). Marami rami rin pala akong naging koleksyon…at kung iisipin mo marami rami rin palang cash ang naubos ko sa mga ito…pero ok lang un terms of the joy and fulfillment that these things has given me. I still believe that joy and memories are more precious than any other else.  Kung ako ang tatanungin, mas ok na ung mga nabanggit ko kesa naman naging hobby ko ung drugs, babae, sugal or ung hobby ng mga naka upo sa pwesto…ang pangungurakot o pag nanakaw sa pera ng bayan. Sabi sa mga pag aaral na ginawa ng mga psychology experts, dapat daw lahat ng tao ay mayroong hobby or a way of relaxation, because of this, they can keep their inner childhood within and it will keep them from being consumed by all the pressure surrounding him. So if you will ask me, shal i continue doing this?…shall i continue with my hobbies?….itutuloy ko pa ba tong TRIP ko?…ang sagot Oo. It has been a part of me…and it will be remain as a big part of me. Ikaw ano ang Trip mo?

Are You Ready!?

•July 20, 2011 • 1 Comment

For the longest time the plan of coming back to blogging has been in my head….but  as stated in the first  part of the sentence, it has been a plan…plano in our native language, it has only been put into action just now… Upon writing, 2 things has been taken into consideration, 1. What language should i use? (A) English –  on my old blog i’ve used this language, for everybody in the whole world to understand what i’m rumbling about… what words , sentences, or thoughts i want to share to the readers ( readers!? as if i have a large target of readers…)then comes ( B )Filipino – ang salita o wika ng aking bansa, ang wika na aking kinalakihan at ginagamit sa pang araw-araw  na pakikipag usap sa Pilipinas man o sa mga kabayan dito s Dubai.  Subalit di tulad ng ibang kababayan natin, para sa akin pag ginamit ko ito dito sa pagsusulat, kailangan ko itong gamitin ng tama at hindi ako dapat gumamit ng kahit ano mang salitang banyaga ( alam ko na nag iniisip mo ngayon!? sino naman ang gaganahan magbasa ng isang blog na para kang nagbabasa ng libro sa FIlipino subject….ang hirap noh! at baka sa sobarng lalim ng mga salita ay malunod tayo sa kawalan….) or ( C ) TagLish –  sabi sa Wikipedia,  ang taglish daw is the Tagalog infused with the English language.  Mas ginagamit daw to’ sa Metro Manila where it has been a stereotype o naging pangkaraniwan ( di ba mas ok pag ganito ang ginamit ko. Mas casual ang pag uusap…at for sure mas marami ang mag babasa…Wish ko lang…..) So problem number 1 is solved, this is going to be the official language of this blog, not English and not the pure tagalog, but TagLish. 2. Ano nag magiging theme ? sa nauna kong blog, ginawa kong theme ang buhay ng expat dito sa Dubai, pero di ko naituloy, marami kasing naging factor na pwede kong ipost  sa mga blogs ko later. Pero sa dami ng Pinoy dito s Dubai, i’m pretty sure marami na rin nag gumawa nun. Photo Blog? susmaryosep,sa dami ng merong DSLR ngayon, sangkaterba rin ang may photoblog, ilang libo rin ang nag popost ng mga pictures na kuha nila, ( kahit naka Auto Mode ung settings ng camera nila… ). Pwede ring political, pero sa gull ng politics sa Pilipinas and sa bung mundo baka masiraan ako ng ulo kaiisip ng ipopost. Or pwede rin naman na Music, Movie, Nature, Fashion or Rant Blog ( ung blog na puro reklamo lang ang mababasa mo…), pero ang dami na rin nun…..napag isip isip ko habang sinusulat to…… wala na lang akong gagawing theme….instead i will make a fusion of everything, lahat ng nakikita , ginagawa or nangyayari sa akin at sa environment na ginagalawan ko. Pero tulad ng nauna kong blog kailangan informative pa rin, kasi for me that is the essence of blogging, to give information to the readers and for them to be entertained ( na tipong kahit papaano gagaan ang problema or mapapa ngiti man lang sila habang nagsasayang ng oras sa walang kwentang blog ko….) which is i think should be the moral obligation of every blogger out there….So are you ready.?……No! i said ARE YOU REAAAADEEEEE!!!! ( Wohooo!..naisingit din ang DX…sorry sa mga hindi fan ng wrestling, hindi kayo maka relate…..hehehehehehe)  So, just sit back and relax…hope you will enjoy this ride, anyway that is the essence of life……to ENJOY!!!! Blogging world!….I’m totally back…..ARE YOU READY!?

Hello world!

•April 5, 2011 • 2 Comments

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!